Kalaguyo (Paramour): The rhythm of illegal love affair

“You’re already somebody else’s angel, so I’ll just look at you from a distance, simulating as if our love could have been more than illegal…”

When I was a kid, I dreamed of learning how to sing, but my father sent me to piano lessons instead. After four years, I pursued some voice lesson, yet it didn't work for me. The bottom line: I can only play piano and that’s just occasionally, but I don't sing. Now, if I play the music of Bad Romance, would you sing its lyrics for me? (Photo credit: http://jamdigitalproductions.com)

KUNG TUTUUSIN, MAS MASAYA pa nga ang maging "kalaguyo" o "third party" o "paramour" kung tawagin sa Ingles. Maaari din ang "inamorato" o "inamorata" para maging partikular sa kasarian. Kapag kalaguyo ka, wala kang dapat asahan, wala kang karapatan maghabol, at wala ka din karapatang pumili ng oras. Bagaman hindi mo kasalanan na may nararamdaman ka, kasalanan mo kung pakikinggan mo ang nararamdaman mo. Dahil kasalanan mo, wala kang karapatang magreklamo kapag nasaktan ka. At kapag tapos na ang lahat sa inyo, madali lang tanggapin dahil sa simula't sapul, 'di naman talaga dapat yun nag-umpisa.


Isa pa, walang commitment! (Kung meron man, dapat talaga wala.)

Noong nakaraang Sabado, ika-13 ng Nobyembre, may kilala akong binigyan ng Diyos ng isang anghel na pagmamay-ari na ng iba, wari bang sa paraang iligal. Ika nga ng iba, masama (bad). Noon naramdaman ng kilala kong ito na para bang tama ang isang bagay na talagang namang mali. Yun nga lang, matapos ang tatlong araw, binawi ng Diyos ang anghel mula sa kanya, dahil sa isang di pagkakaintindihan sa telepono. Nakatutuwa mang sabihin, subalit mas mabilis pa ang lahat kaysa sa isang linggong pag-ibig.

Ngayon ko naisip na kahit walang karapatang masaktan ang isang kalaguyo, masasaktan pa din siya basta may nararamdaman siya.

11.17.2010/Makati City

2 comments: